
Holiday Advisory: Golden Week
April 24, 2025Dear Tita Lits
May - June 2025
Isabelita Manalastas-Watanabe
Visit: https://www.jeepneypress.com/artikulos-2025/tita-lits-2025
Dear Tita Lits,
Long-time reader, first-time reklamador! Chos lang po. I’ve been reading Jeepney Press since the ancient times—aka the paper days. Ngayon, mas masaya kasi digital na! Updated pa rin ako kahit naka-throne mode.
Tita, I super love your section. Para kang nanay, guidance counselor, at stand-up comedian in one. Ang dami kong natututunan with matching laugh trip. I’m sure sanay na sanay ka na sa Japan life. Ako? Bagets pa—3 years pa lang sa serbisyo... este, sa pagtuturo ng English dito.
Japan is actually my first ever out-of-the-country adventure. Para akong si Dora the Explorer—pero walang backpack, may dalang lesson plan. Gusto ko rin sanang mag-travel-travel habang nandito pa ako para masulit ang pagiging OFWtographer (OFW + tourist + photographer—gets?).
Pero ayun na nga, Tita. Kwento ko lang ang aking latest airplane horror story a.k.a. “The Flightmare on Aisle Street.”
So I had a 6 AM flight back to the Philippines. I arrived at the airport at 3 AM—no sleep, no energy, just pure hopes and prayers na makakatulog ako sa eroplano. Spoiler alert: I did not.
I was seated sa 4-seater row. Umaasa pa ako na baka may cute na aniki ang katabi ko—surprise, Tita: ang katabi ko, isang buong pamilya straight out of MMK. Tatay, nanay, at anak na parang naka-Red Bull + drumsticks. Sigaw here, takbo there, seat-kick everywhere! Every ten minutes nasa CR siya—parang may sariling world tour.
Yung tatay? Knocked out. Humihilik. Amoy Marlboro Lights meets summer pawis. Gusto ko na lang magpahid ng Vicks sa buong mukha for protection.
Yung nanay? Sigaw nang sigaw sa anak, pero parang background noise sa karaoke—wala ring effect. Ako? Nag-pray over na lang sa sarili ko habang nire-recite mentally ang Serenity Prayer.
Sinubukan kong ibigay ang best ko na “polite but firm flight attendant look”—yung may ngiti pero may banta. Sabay bulong, “Pasensya na po, kailangan ko po talagang makatulog. Baka puwedeng paalalahanan si little drummer boy?”
Pero waley, Tita. As in dedma levels! Parang ako ‘yung naka-airplane mode. Tumingin lang siya sa akin saglit, tapos balik tutok sa TikTok.
I tried to mentally teleport to a beach. Failed. Even my imagination gave up and requested a refund.
So ayun, Tita... tanong ko lang po—anong dapat gawin ng isang helpless, sleepy, slightly annoyed Tita-in-training sa ganitong mga eksena?
Salamat po, Tita Lits, sa pakikinig sa aking torture-in-the-sky story. Sana next time, hindi na ako maging passenger of pain.
With jetlag and emotional baggage from Row 26D,
Alyanna
(Di totoong pangalan—baka mabasa ni Daddy Marlboro!)
Dear Alyanna:
Ang galing mong magsulat!
Tawa ako ng tawa at saka aliw-na-aliw sa iyong kwento. Buti na lang sinabi mong “Para kang nanay…” sa akin, at hindi para akong Lola (Lola Basyang, perhaps?), although sa edad kong 71, baka apo na kita! At ibang-iba na talaga lenguahe ng mga super bagets ngayon (di-na millennial ang tawag, di-ba? GenZ?) Hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin ng MMK!
You super love my section? Oh… I super love your way of writing, of expressing yourself so well, and of making light of the problems you encountered during that horror airplane adventure. I think I’ve now found the one to pass on my “throne” as the Tita Lits of our OFWs in Japan. Kaya lang, Tita Alyanna ka ba, or Tito ______ (your real name)? Tingin ko kasi kabaro kita, based on the name you submitted—pero parang hindi rin?
Anyway, let’s go back to your super airplane trip adventure.
Buti hindi sa likod mo nakaupo iyong junior jetsetter (mga ilang taon na kaya siya?). Kung hindi, masisipa ka ng masisipa kung hindi nagtata-takbo or nag-a-adventure sa toilet. Kung maliit pa lang itong bata, hindi siya papayagang takbo ng takbo ng airline crew, kasi ngayon ay encouraged tayong mag-seat belt kahit hindi naka light-up ang seat belt sign.
Sobra naman ka-inefficient ang airline stewards/stewardesses ng airline mong ginamit (sigurado akong super-cheap airline ang ginamit mo).
Ako rin, kagagaling lang sa Pinas, at Air Asia ang nakita kong cheaper than other cheap airlines like JetStar, Zip Air, or CebuPac. Super dakdakan ang magandang stewardess at ang bading na steward na nakaupo sa harapan ko (Seat C1—feeling first class ako), separated only by glass or super hard plastic. Dinig ko ang Maritess-san nila, at kita ko pa ang pagme-make-up ni beauty queen: napakaputi ng ngipin, flowing shoulder-length hair. Ang red uniform nila, hapit-na-hapit—kita ang shape ng katawan (pati shape ng panty dahil sa sikip ng skirt!). Dapat in-approach ko siya—puwede siyang maging Ms. Universe contestant sa ganda, ngiti, at tindig!
Ay naku! Napa-digress ako.
Tingin ko, simple lang sana ang solusyon sa naging problema mo: lumipat ka sana ng upuan after ma-achieve ang cruising altitude. Best kung pinindot mo iyong call button at nag-request ng transfer—kahit saan, kahit sa tabi ng toilet, para harangin mo iyong batang tatakbo sa direksiyon mo. Ha ha ha!
Anyway, magpasalamat ka pa rin at ligtas kang nakarating kung saan ka man pumunta (Pinas, I assume?). At siguro naman, nakabawi ka ng tulog pagdating mo sa bahay ninyo.
Until your next adventure in the sky—write again, Alyanna!
Make me and our Tita Lits readers laugh again, so we get the best free medicine for a long and happy life!
Tita Lits
Pahabol:
Hala, ngayon ko lang nalaman na 'Maalaala Mo Kaya' pala ang ibig sabihin ng MMK! Akala ko 'Masarap Magluto si Kumare'!
Balik-ere na raw after 2 years, ayon sa Rappler.
Handa na ba kayo sa iyakan, tissue, at flashback?