
Holiday Advisory: March 20, 2026
March 10, 2026Dear Tita Lits
March to April 2026
Isabelita Manalastas-Watanabe
Visit: https://www.jeepneypress.com/artikulos-2026/tita-lits-2026
Dear Tita Lits,
Tita, may confession ako.
Iniimbitahan ako sa high school at college reunion. At habang binabasa ko yung invitation… parang gusto kong uminom ng Biogesic at magdasal ng novena.
Hindi ko alam kung pupunta ako.
Hindi dahil ayoko makita mga classmates ko. Gusto ko naman sila makita. Pero Tita… reunion yan. Hindi lang yan simpleng get-together. Para yang emotional Olympics.
Unang challenge: recognition problem.
Pagpasok mo sa venue, may lalapit sa’yo na nakangiti nang buong-buo.
“ROSALINDA!!!”
Ikaw naman:
“HELLOOOOO!!!”
Pero sa loob ng utak mo:
“Sino ka???”
Kasi Tita, forty years is forty years.
Yung dating varsity heartthrob, ngayon mukhang very respectable contractor ng hollow blocks.
Yung dating class muse, ngayon mukhang CEO ng organic turmeric business.
Yung dating bully, ngayon biglang motivational speaker sa Facebook.
Life is full of surprises.
Second challenge: old crush encounter.
Ito talaga ang delikado.
Imagine mo, Tita. Yung crush mo nung 4th year high school. Yung tipong pag dumaan siya sa corridor parang may background music ng Air Supply.
Biglang lalapit.
“Hi… remember me?”
Remember you???
Ikaw ang dahilan kung bakit bumagsak ako sa Algebra kasi hindi ako makapag-focus sa blackboard.
Pero ngayon Tita… medyo iba na.
Medyo may tummy of experience na siya. May reading glasses. May anak na mukhang siya na ang nagbabayad ng Meralco.
Pero siyempre sasabihin mo pa rin:
“Wow! You look the same!”
Kasi sa reunion, lahat nagiging sinungaling nang konti.
Third challenge: the silent competition.
May magtatanong:
“So… kumusta ka na?”
Simple lang dapat na tanong yan.
Pero sa reunion… may hidden meaning yan.
Translation:
“Successful ka ba o hindi?”
May sasagot:
“Oh, simple life lang… I just manage a small company.”
Small company pala… 500 employees.
May isa pa:
“My son is studying in New York, my daughter in London.”
Meanwhile ikaw iniisip mo:
“Ang anak ko nag-aaral sa YouTube University.”
Fourth challenge: selosan at subtle yabangan.
May isang darating na parang ageless goddess.
Perfect buhok. Perfect skin. Parang may sariling lighting.
May magbubulong:
“Grabe, parang hindi tumanda.”
Oo naman. Kasi Tita… tatlong dermatologist, dalawang yoga retreat, at isang very understanding na credit card.
Meanwhile tayong iba:
“Hindi naman ako tumaba… lumawak lang ang personality ko.”
Fifth challenge: the memory lane exaggeration.
Suddenly everyone remembers themselves as top student.
Tita… hindi ako naniniwala.
Kasi kung lahat kayo top student…
sino yung mga nangongopya sa homework ko noon???
May magsasabi pa:
“I was very quiet and studious in school.”
Ha???
Ikaw yung leader ng cutting classes papuntang billiard hall!
Sixth challenge: the old photo moment.
Ito ang pinaka-delikado.
May maglalabas ng lumang class picture.
Lahat lalapit.
“OMG buhok mo!”
“Ang payat mo!”
“Ang kapal ng eyeglasses mo!”
Then someone points at your picture.
At biglang…
TAHIMIK.
Kasi lahat nag-iisip kung anong polite na comment ang safe sabihin.
Finally someone says:
“Ang cute mo noon!”
Translation:
“I refuse to comment on the present situation.”
Seventh challenge: unresolved drama.
Tita… may mga classmates na hanggang ngayon hindi pa rin nag-uusap.
Because of things that happened in 1982.
Boyfriend issues.
Group project issues.
Seatmate issues.
Forty years na… pero emotional files are still archived and bookmarked.
May mga titigan na parang Korean drama reunion scene.
At sa dulo ng gabi… kapag nagsimula na ang tawanan at kwentuhan…
Marerealize mo na pare-pareho lang pala tayong lahat.
Mga dating 18-year-old na feeling immortal,
na ngayon ay may maintenance medicine, reading glasses, at konting lower back pain.
Pero Tita… eto na ang final dilemma ko.
Kung pupunta ako sa reunion… paano ba dapat mag-prepare?
Kailangan ba mag-facial muna sa derma para mukhang well-rested at hindi mukhang pagod sa life?
Kailangan ba mag-hair treatment para hindi halatang ilang dekada nang may stress sa mundo?
Sa fashion naman…
simple elegant ba?
smart casual?
O yung tipong “I woke up like this pero secretly pinag-isipan ko for three days”?
At isa pang malaking tanong:
Magda-diet ba ako two weeks before…
or tatanggapin ko na lang ang natural expansion of wisdom sa waistline?
At most important survival tip:
Kapag may old crush na lumapit at nagsabi ng
“Grabe, you haven’t changed…”
Ano ba ang tamang sagot?
A. “Thank you.”
B. “Ikaw din.”
C. “Pareho lang tayo… edited by time.”
Tita Lits, please advise.
You are clearly more experienced in the art of social survival.
Kasi feeling ko itong reunion na ito ay hindi lang gathering…
Isa itong major theatrical event of nostalgia, chismis, unresolved drama, at emotional archaeology.
Waiting for your wisdom before I book my facial appointment.
Your slightly nervous but curious,
Rosalinda
Dear Rosalinda:
First of all, ANG GALING MONG MAGSULAT! Napahalakhak mo ako. Gusto ko ng umurong sagutin ka, at pabayaan ko na lang na maging five (5) years younger mga readers ni Tita Lits dahil sa nakakaaliw at nakakatawang sulat mo!
February normally ang reunion month sa atin. For what reason, I do not know. I went home in February this year kasi may tatlong reunion akong in-attend:
Feb. 21: High School
Feb. 22: Elementary
Feb. 25: U.P. Diliman
Dahil halos yearly akong nakikipag-reunion, nawala na ang aking mga apprehensions na anticipated mong ma-e-experience. Frankly, pareho din ang naramdaman ko noong unang-una akong nag-attend.
Salbahe din ako. Noong nakita ko isang classmate na halatang retoke ang mukha, di-ko napigil mag-maritess at mag-comment sa mga ka-close kong batch mates. May isa naman, pumangit dahil sa retoke, e ang ganda-ganda naman noong high school.
Next na reunion, I decided to be myself, kasi, awa ng Diyos, kahit walang retoke, mukhang mas bata ako sa nakakarami. And for this, I thank God for the blessings of good fortune, meaning I have money, not too much, but enough to afford sun block and not be working in the fields under the hot sun. So mas makinis ang balat/mukha ko, as compared to mga maraming mahihirap kong ka-klase na talagang nangulubot na at nagka-linya na ang mga mukha.
I came as I was, normal, with the usual no-make-up sarili ko, but still conscious frankly sa itinaba ko. Pero di-naman ako nag-iisa! Lahat halos, lumobo na rin! At kapag nakalimutan ko na pangalan, I just say, in an honest and natural manner, “Nanu ne kasi ing lagyu mu? Dakal na ku senior moments kasi!”. That’s Kapampangan for “Ano na nga pangalan mo? Marami na kasi akong senior moments!”.
I still feel conscious of how I look lalo na if my former crush, in elementary and in high school were present. Buti hindi umuwi this time yong high school batch mate ko na kamuntik ko ng mapangasawa. Tumaba na kasi ako, pero pumayat naman siya ng sobra. Guwapong-guwapo noon, ngayon, payat at tumanda na hitsura.
At kapag sayawan na, que se hoda na tabatsing na ako. I spent money to fly from Tokyo to the Philippines to enjoy my reunion - so sayaw ako to my heart’s content kahit wala akong partner! Bahala ng magdusa mga nanonood sa pagsayaw ko, kung di-nila type sayaw ko, basta’t enjoy ako - that’s what matters, diba?
So, dear Rosalinda—ito ang payo ni Tita Lits:
Mag-paretoke ka man o hindi, tumaba ka man o pumayat—dedma!
Ang importante, dumating ka. Ngumiti ka. Tumawa ka. Sumayaw ka.
At kung may manood man sa’yo? Eh di wow—may audience ka pa!
BE YOURSELF. BE NATURAL. BE HONEST.
At higit sa lahat—enjoy mo lang, habang kaya pang sumayaw ang tuhod!
Love,
Tita Lits
To read the full article, click here.




