
Holiday Advisory: Sea Day, July 21
July 16, 2025Dear Tita Lits
July - August 2025
Isabelita Manalastas-Watanabe
Visit: https://www.jeepneypress.com/artikulos-2025/tita-lits-2025
Mahal kong Tita Lits,
Matagal ko na pong gustong ibahagi sa inyo ang laman ng puso ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan magsisimula.
Tita, pagod na pagod na po ako. Limang taon na mula nang ma-diagnose ako ng cancer sa matres. Noong una, hindi ko po matanggap. Parang bangungot. Akala ko lilipas din, pero hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ito.
Minsan naiisip ko, baka kasalanan ko rin. Baka dahil inabuso ko ang sarili ko noong araw. Alam n’yo naman po siguro—nung panahon na nagtatrabaho pa ako bilang entertainer sa isang Philippine club. Araw-araw na yosi, alak, puyat, at minsan, pagkalasing sa sobrang pagod o lungkot. Parang sinagad ko ang katawan ko noon, habang pilit lumalaban para makaraos sa buhay dito sa Japan. Hanggang sa makilala ko si Hiroshi—ang paborito kong customer—na naging asawa ko.
Ilang taon din kaming nagsikap magka-anak. Tatlong beses akong nakunan bago dumating si Mika. Siya ang milagro ko. Pero kahit naibigay siya sa amin, dumating pa rin ang hamon—medyo may pagka-autistic si Mika. Hindi siya gaya ng ibang kabataan. Kailangan niya ng tuluy-tuloy na gabay at pag-aaruga. Kaya simula’t sapul, ako ang naging sandigan niya.
At ngayon, kami na lang dalawa. Tatlong taon na pong wala si Hiroshi. Pumanaw siya dahil sa stroke. Napakabilis ng lahat. Isang araw andiyan siya, kinabukasan, wala na. Hanggang ngayon, parang hindi ko pa rin matanggap. Sa loob ng tatlong taon, ako na lang ang kailangang maging matatag para sa amin ni Mika.
Kahit sinasabi ng doktor na medyo stable na ang cancer ko, may mga gabi pa ring hindi ako makatulog. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot—takot kung anong mangyayari kay Mika kapag wala na ako. Sino ang mag-aalaga sa kanya? Paano siya mamumuhay sa mundong hindi laging mabait sa mga taong naiiba?
Tita Lits, kaya ako sumusulat sa inyo. Alam kong matagal na po kayong nanirahan dito sa Japan. Marami na kayong naranasan sa buhay, at alam kong hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan ninyo. Kaya gusto ko po sanang humingi ng payo.
Paano niyo po hinarap ang mga panahon ng kalungkutan? Kapag pakiramdam ninyo po ay mag-isa kayo, paano kayo bumangon? Kapag natatakot kayo sa hinaharap, anong pinanghahawakan ninyo para manatiling matatag?
Hindi ko po alam kung may sagot sa lahat ng tanong ko. Pero gusto ko lang marinig ang tinig ng isang taong tunay na nakakaunawa. Marahil po ay hindi ako ang nag-iisang ganito ang nararamdaman. Baka po sa kwento ninyo, makahanap ako ng lakas.
Maraming salamat po, Tita. Ipagdasal n’yo po kami ni Mika. Sana balang araw, makahanap rin ako ng kapanatagan.
Nagmamahal,
Nena
Mahal kong Nena:
Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon at iyong ilang taon na pagkalungkot mo sa pagkapanaw ng iyong kabiyak sa puso, si Hiroshi. Sa aking tingin, minahal ka niya talaga, gustong magkaanak sa iyo, at idinulot naman ng Panginoon na ibigay sa inyo si Mika.
Tingin ko, sobrang worrier ka lang. Isa sa importanteng impormasyon kong nalaman sa sulat mo, ay ang sabi sa iyo ng iyong doctor na medyo stable na ang kondisyon mo na cancer sa matris. Very good news ito, Nena!
Nag-research ako, at ito ang nalaman ko:
Ang five (5) year survival rate sa cancer sa matris ay 81%. Ibig sabihin, 81% of women diagnosed with the disease are alive five years later, katulad mo. Itong survival rate ay mas mataas pa kung yong cancer mo ay hindi pa nag-spread outside of your uterus. Kapag hindi (at tingin ko, hindi, dahil nga sa opinion ng doctor mo na stable na ang condition mo), ang survival rate umaabot ng hanggang 95%! Nagiging mas epektibo ang paggamot sa iyo, kasabay ng pagtaas ng survival rates. Fatal lang ang cancer mo kapag hindi kaagad na-detect at lalo na kung nag-spread na. Hindi ito ang kaso mo, thank God!
Palagay ko, under depression ka ngayon. Natural lang na ma-depress ang isang taong kumakarga ng mga bagay-bagay na katulad mo – sakit, wala ng katuwang sa buhay na asawa, may anak na nangangailan ng extrang pag-aalaga… Pero wala akong narinig na hinaing sa iyo tungkol sa pera. Palagay ko, hindi ka nahihirapan dito sa bagay na ito.
May kilala ako, at least dalawang pamilya, na may anak na autistic. Yong isa, napakatalino sa science; iyong isa sa math naman. Iyong mga may autism, may special talents talaga, iyong iba, sa music. Ewan ko kung ano ang extrang talent ni Mika. Siguradong mayroon at dapat iyong ma-develop. Search ka ng special school na mag-a-admit sa katulad ni Mika. Magtanong ka sa iyong ward office.
Kung tiga Tokyo ka, sigurado ako, mayroon, dahil ang isa kong staff in-enrol ang anak niya doon sa special school from grade school. Tapos, later, inilipat sa Pilipinas. Alam mo bang ngayon ay parang normal na normal na ito (binata na), at nagtuturo nga sa isang public school sa Japan? Iyong anak naman ng isa kong kakilala, iyong magaling sa science, at sa Pilipinas nakatira at nag-aaral. Multi-awarded noong mag-graduate ng grade 3 – top in science, at iba pang subject. At napakarami ng improvements. Dati masyadong magalaw, may attention deficit, ngayon, nakikinig na sa mga payo ng magulang at teachers.
Isa pang advice, kung tiga-Tokyo ka, makipag-appointment ka sa Mejiro Clinic, tel. 03-5906-5092; 5093. May staff na sasagot para magpa-appointment kay Dra. Yuko Matsunaga. Nag-e-English sila lahat (although sigurado ako na very fluent ka na sa Nihongo). Maraming kliyente na gaijin si Dra. Matsunaga. Isa ka lang (at ako) sa maraming hindi mukhang may problema, but mayroon pala. She is a psychiatrist who can help you with feelings of loneliness, of isolation, of mental distress, etc. Pwede mong i-mention ang pangalan ko (Isabelita Watanabe), dahil isa ako sa regular na pasyente niya. Ni-refer siya sa akin ng St. Luke’s Hospital in Tokyo noong mag-retire na ang psychiatrist ko doon.
Sa Japan, may stigma ang mental problems like depression. Noong sa St. Luke’s Tokyo ako pumupunta, wala kang makikitang nakasulat na “Department of Psychiatry” or “Psychiatry Section”. Ang nakalagay, “Liaison Department”.
Sa America, hay naku, ipinagmamalaki pa na seeing a psychiatrist itong maraming mga sikat na artista, di-ba? Kasi, napakamahal ng sessions with the doctor, so mayaman lang ang pwedeng magpatingin. At walang stigma.
Sa Japan, covered ng iyong health insurance ito, at super affordable. Ako, mga six (6) years ng regular na pumupunta sa psychiatrist ko. Ang initial analysis ay accumulation ng sobrang pagod sa aking kaka-trabaho. Baka ganoon din ang pinagmulan ng feelings mo ng pagkalungkot at pag-aalalang masyado. Isang punta ko sa clinic, sinabi ng doctor ko na worried siya sa hitsura ko – parang super pagod daw. Tinanong ako, what makes you worried? Sabi ko, when I have liquidity problems (pera – may business kasi ako). Another question: what will make you happy? Sagot ko, I am always happy when I go home to the Philippines, kasi nandoon ang aking pamilya, mga ka-klase sa high school (very close kami), at iba pang kaibigan.
Subukan mo kayang umuwi din, at isama si Mika? For a change of environment. Also to talk with your family na huwag pababayaan si Mika just in case, talagang tatawagan ka na ni Lord to join Him in heaven (tingin ko, talagang hindi pa!). Magbukas ka rin ng bank account sa atin, na ITF (In Trust For), para kay Mika. Pwedeng kapatid mo or nanay mo ang kasama sa pangalan ng ITF na account ni Mika. Makukuha ni Mika ang pera only kapag age of majority na siya (20 years old ang alam ko, sa Pilipinas).
Hayan, alam mo na hindi ka nag-iisa. Kahit si Tita Lits mo, hindi rin super woman, at marami ding dinadala. Pero we should go on with life, enjoy what we can whenever we can, get up when we fall, and thank God every morning you wake up. Isang araw na naman para sa iyo na makasama mo ang iyong precious angel, si Mika.